Tungkol sa Pangongolekta ng Data
Upang mabigyan ka ng pinakamagandang karanasan sa loob ng aming mga laro at upang makilala ang iyong progreso, mga pagbili, at subscription, kailangan naming mangolekta ng data. Hinahawakan namin ang iyong data nang may pag-iingat at pinangangalagaan ang iyong personal na impormasyon sa pinakamaingat at responsableng paraan.
Kinokolekta Naming Data
Ang data na kinokolekta namin ay nakakatulong sa amin na magbigay ng pinamagandang karanasan na posible. Halimbawa ng mga kinokolekta naming data ang:
- Progreso at mga pagbiling ginawa mo sa Heart's Medicine: Doctor's Oath
- Iba pang mga laro ng GameHouse na nilalaro mo
- Mga device na ginagamit mo sa paglalaro ng aming mga game
- Iyong public IP address at bansa
Hindi namin kinukuha ang impormasyon ng iyong credit card, bangko, o kahit anong iba pang sensitibong impormasyon.
Bakit Kami Nangongolekta ng Data
Nangongolekta kami ng data dahil sa sumusunod na mga rason:
- Para i-save ang iyong progreso para iyong ma-uninstall at ma-reinstall ang Heart's Medicine nang hindi nawawala ang progreso
- Para mapahusay ang kalidad ng aming mga laro
- Para ma-access ng mga subscriber ang maraming laro at matanggap ang mga benepisyo mula sa maraming laro sa loob ng iisang subscription
- Para matutunan kung paano nilalaro ang aming mga laro at pahusayin ang karanasan ng manlalaro
Basahin ang higit pa sa aming Patakaran sa Privacy at Mga Tuntunin ng Serbisyo.
I-delete ang Aking Data
Upang alisin ang lahat ng personal data na kinolekta ng GameHouse, padalhan kami ng mensahe gamit ang chat sa itaas na kanan ng FAQs at ilakip ang iyong email address. Tatanggalin ang lahat ng personal data mo na nakolekta. Isang kumpirmasyon ang ipapadala sa iyo sa loob ng 30 araw.
Mahalaga: Sa pag-alis ng data mo, ang iyong karanasan sa aming mga laro ay maaaring magresulta na masira ang laro o mawala ang progreso mo. Maaaring ma-lock ang iba mong mga laro. Hindi na gagana ang iyong GameHouse subscription. Dahil hindi namin makansela ang subscription mo, kailangan mo itong kanselahin sa app store. Kapag na-delete na ang data mo, hindi na ito maibabalik.