Ang libreng laruin ay isang paraan ng pagbubuo ng mga laro (isang modelo ng laro) na nagpapahintulot sa lahat ng manlalarong maranasan ang buong laro nang hindi kinakailangang bumili ng kahit na ano. Mayroong mga opsyonal na pagbili sa loob ng laro kung gusto mong mas mabilis na umusad, pero pwede mong makumpleto ang lahat nang mag-isa. Gumagamit kami ng sistema ng enerhiya upang kontrolin ang bilang ng lebel na maaari mong laruin sa isang upuan, at mayroong mga diyamante, puso, bituin at marami pang ibang bagay na makakatulong sa iyong umusad (tingnan ang hiwalay na Mga Madalas Itanong tungkol sa mga paksang ito para sa higit pang impormasyon)